Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun dead

16-anyos bagets patay sa boga ng 2 barkada

PATAY ang isang 16-anyos Grade 8 pupil makaraan barilin ng dalawang kaibigan sa bahay ng isa sa mga suspek sa Paco, Maynila kahapon.

Itinago sa alyas na Totoy ang 16-anyos biktimang nabaril dakong 2:30 pm.

Habang itinago sa mga alyas na Ar-Ar, 15, at Kaloy, 16, ang mga suspek na tumakas makaraan ang insidente.

Base sa salaysay ng ina ni Ar-Ar, dakong 2 pm nang gisingin siya ng biyenan dahil sa putok ng baril na narinig mula sa kuwarto ng anak.

Nadatnan ng ginang ang anak at si Kaloy na isinasakay ang biktima sa motorsiklo para dalhin sa ospital kaya kaya’t sinamahan niya ang dalawa.

Samantala, naiwan sa bahay ang pinsan ni Ar-Ar na itinago sa alyas na Sedeng, 18-anyos, kasama ang 3-anyos kapatid ni Ar-Ar.

Ani Sedeng, umiyak ang 3-anyos bata nang makita ang dugo sa sahig ng kuwarto ni Ar-Ar kaya napagdesisyonan niyang punasan ang sahig, dahilan para kasuhan siya ng ‘obstruction of justice’ ng mga pulis.

Ayon kay Sedeng, nanatili sa ospital sina Ar-Ar at Kaloy kasama ang kuya ng biktima na tinawagan nila, para hintayin ang magiging resulta nang pagsalba sa biktima.

Dakong 3:11 pm nang itawag ng Philppine General Hospital sa Manila Police District ang pagkamatay ng biktima.

Pagbalik ng ina ni Ar-Ar sa ospital wala na ang dalawang suspek, habang nakapiit na ang 18-anyos na si Sedeng sa Manila Police District Homicide Section.

Hindi pa matukoy kung sino ang may-ari ng baril at kung ano ang motibo ng insidente. Hindi na rin ma-kontak ng ina ang anak na si Ar-Ar.

( KIMBEE YABUT )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …