By the middle of August after the entrance of the ghosts sa Ghost Month, gigiling na ang cameras ng produksiyong sasamahan ni direk GB Sampedro sa pagbabalik-pelikula ng host-dancer-comedian na si Vhong Navarro.
Matagal na palang pangarap nito ang i-remake o gampanan ang role ng karakter na pinasikat ni Papang Chiquito mula sa komiks serye ni Mang Kepweng. Ang manggagamot o albularyo na maraming adventures.
Excited na si Vhong pati ang kanyang manager na si Chito Roño sa naturang proyekto na makakasama niya si Valeen Montenegro as his leading lady.
Maging gamot na kaya si Mang Kepweng sa pagiging aktor ni Vhong?
HARDTALK – Pilar Mateo