Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

That Thing Called Tanga Na, universal ang approach — Lamangan

00 SHOWBIZ ms mISA na namang kakaibang putahe ng pagmamahal ang handog ng Regal Entertainment sa hugot comedy ng taon, ang That Thing Called Tanga Na na mapapanood sa Agosto 10, mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at pagbibidahan nina Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano, Martin Escudero, at Angeline Quinto.

Ang That Thing Called Tanga Na ay ukol sa kuwento ng limang magkakaibigan—apat na bading at isang babae na pumasok sa kakaibang relasyon at sakripisyo para matagpuan ang true love.

Hindi lang hugot, kabaliwan, at katangahan ang buhos ng emosyon nina Eric, Billy, Kean, Martin, at Angeline ang makikita sa pelikula. Ani Lamangan, ”Martin is a very good actor. I’ve handled him before sa TV. First time kong idirehe si Kean. Dedicated siyang actor. Walang hang up si Billy kahit lalaki siya. Eric is always competent. Si Angeline, ang galing ng timing sa comedy. May ritmo siya!”

Sinasabing marami ang makare-relate sa pelikula dahil nariyan ang martir sa lalaki, Miss Bahamas (read bumabaha) pagdating sa material na regalo sa boyfriend, pagkakaroon ng extended family kapag may babaeng asawa ang lalaking minamahal, mas gustong pumatol ang boyfriend sa babae kaysa bading, pakikipag-kumpare sa BF, gustong magkaroon ng anak kahit walang matres, at marami pang iba.

Subalit iisa lang ang puntong nais iparating ng TTCTN—lahat ay pantay-pantay pagdating sa pag-ibig. Diretso man ang kasarian o bading ang isang umiibig, dumarating ang puntong dahil sa pag-ibig, nawawala ang intelihensiya ng tao at naiiwan ang IQ sa bahay.

Sinabi pa ni direk Lamangan, ”Mahusay silang lahat. Nakatatawa. Makaa-identify ang lahat sa movie kahit bading. Universal ang approach namin sa pelikula.”

Mapapanood ang full trailer ng That Thing Called Tanga Na sa official Youtube channel ng Regal Films at sa kanilang Facebook Page na Regal Entertainment Inc..

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …