Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Gerald Anderson

How To Be Yours, mapapanood na ngayong araw

00 SHOWBIZ ms mNGAYON ang unang araw ng pagpapalabas ng unang pagsasama nina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa pelikula, ang How To Be Yours na handog ng Star Cinema.

Ang How To Be Yours ang isa sa pinakamalaking romantic-drama ng season na ito na idinirehe ni Dan Villegas at isinulat nina Hyro Aguinaldo at Patrick Valencia.

Ang istorya ng How To Be Yours ay isang modernong love story an nakasentro kina Anj (Alonzo) at Nino (Anderson)—dalawang magkaibang tao na may kanya-kanyang mga pangarap sa buhay. Magkikita sila ng ‘di inaasahan at kapwa mahuhulog ang kanilang mga puso sa isa’t isa. Ito ang magbabago sa kanilang mga buhay. Parehong magbabago ang kanilang pagkatao habang tumatagal ang kanilang pagmamahalan. Hahapin nilang dalawa ang katotohanan na susubok sa kanilang relasyon: ang mga dahilan kung bakit nila minahal ang isa’t isa ay sapat na upang ipagpatuloy ang kanilang pag-iibigan.

Sinasabing hitik sa romansa at luha ang How To Be Yours at nangangakong isa na namang ‘di malilimutang cinematic na nagpapakita sa mga katotohanan ng modernong romantic relationships—ang mga ups at downs, ang maganda at ‘di maganda, at ang mga nangyayari matapos ang mga kilig moments ng bawat magkasintahan.

Kaya maging bahagi ng pagmamahalan nina Bea at Gerald, magtungo na sa mga sinehan para mapanood ito na palabas na ngayon.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …