NAGPAHAYAG si Pangulong Rodrigo Duterte nang kahandaang bumaba sa puwesto kapag naipasa ang federal at parliamentary form of government sa pamamagitan ng constitutional amendments sa kanyang ikaapat o ikalimang taon sa posisyon.
Aniya, dapat mayroong pangulo na mamumuno sa parliamentary and federal government.
Gayonman, sinabi niyang ang mamumuno ay dapat na hindi siya.
“I can commit today to the Republic of the Philippines that if you will hurry up the federal system of government and you can submit it to the Filipino people by the fourth or fifth year, you call for a referendum, and after that call for a presidential election,” aniya.
“Then I will go. Sibat na ako.”
( ROSE NOVENARIO / JETHRO SINOCRUZ )