Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trina Legaspi, wish sundan ang yapak ni Judy Ann Santos

00 Alam mo na NonieMAGANDA ang pasok ng mga pelikula ngayong taon para kay Trina Legaspi. Mula nang nagtapos ng kolehiyo this year, sunod-sunod ang movies ng dating child actress. After ng I Love You To Death at Pare, Mahal Mo raw Ako, ang next movie naman niya ay Kusina na tinatampukan ni Judy Ann Santos at isa sa entry sa 12th Cinemalaya.

Ano ang reaksiyon mo na sunod-sunod ngayon ang movies mo? “Well, I’m very happy, kasi ngayong nakapagtapos na ako ng college, I think mas makakapag-focus na ako sa showbiz. Happy na, even though parang nagsisimula ulit ako, nabibigyan ako ng opportunity for movies,” wika ni Trina.

Nabanggit din niyang kahit hindi sila nagka-eksena ni Juday ay malaking bagay daw sa kanya na maging younger version ng aktres. Umaasa rin daw siyang mabibigyan ng pagkakataon na masundan ang yapak ni Juday.

“Hindi ko siya naka-eksena, pero I feel honored na ako iyong younger version niya. Kasi, veteran actress siya and I m hoping na parang masundan ko rin yung footsteps ni Ms. Judy Ann Santos na makilala sa galing sa pag-arte.”

Isa raw si Juday sa ina-idolize ni Trina. “Yes, kasi ay magaling talaga siya at hindi ba nanalo na siya sa Gawad Urian ng Best Actress? So, hopefully ay ma-recognize rin sana ang talent ko bilang artista dahil I’m very passionate about this craft. Sana magtuloy-tuloy na rin po ito, para mas mai-showcase ko rin ang iba ko pang talent, like singing and hosting. Sana ay mabigyan din po ng opportunities.

“I think everything happens at the right time. Kasi iyong iba ay parang sinasabi na napag-iiwanan ako. Kumbaga, ‘yung mga ka-batch ko, ang layo ng narating. Pero I’m happy for what they’re achieving, kasi ay deserve naman nila iyon.

“Ako ‘yun nga, maybe kailangan ko muna talagang tapusin ang pag-aaral ko tapos ay tsaka ako mag-focus sa career ko, gaya nang nangyayari ngayon.”

Wish din daw ni Trina na magkaroon ng regular TV show sa ABS CBN. “Sana ay mabigyan din ako ng regular show sa ABS CBN, para naman… kahit drama or comedy. Kasi, I think iyong training ground ko sa Goin Bulilit, parang kahit saan ay puwede kang ilagay, e. Kahit na drama iyan or comedy,” saad niya.

Ang Cinemalaya ay magaganap sa August 5 to 14 sa main venue nito sa Cultural Center of the Philippines (CCP), pati na rin sa Ayala Cinemas-Greenbelt 3 at Glorietta sa Makati City; Trinoma at UP Town Center sa Quezon City; at Nuvali, Sta Rosa, Laguna. Gaganapin din ito sa Ayala Center Cebu mula August 9 to 14. Bukod kina Juday at Trina, ang Kusina ay tinatampukan din nina Gloria Sevilla, Joem Bascon, Luis Alandy, at iba pa. Ito’y mula sa direksiyon nina David Corpuz at Cenon Palomares.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …