MAHALAGA ba ang mga bading sa buhay ng isang Kean Cipriano?
“Oo naman, sa akin sa buhay ko? Kumbaga, parang hindi maikukuwento itong istorya na ito kung hindi siya nanggaling sa mga gay people. Wala kaming istorya sa ‘That Thing Called Tanga Na’ kung walang gay people. Ganoon siya ka-relevant. Mayroon akong brilliant director, you see like Tito Boy Abunda, My dear friend Vice Ganda na dominating kung ano man ang ginagawa nila,” bungad niya.
May maituturing ba siyang gay na may malaki siyang utang na loob?
“Oo naman. Maraming mababait at magagandang puso na bakla na nandiyan para tumulong sa amin,” tugon niya.
Sinabi rin ni Kean na na-enjoy niya ang role niya sa That Thing Called Tanga Na.” Kahit after shooting ay nadadala niya. Masaya raw ang maging bakla. Kung sa next life niya ay maging gay siya, wala raw problema.
Hindi rin isyu kay Kean ang same sex marriage. Wala naman daw pinipiling rules pagdating sa pag-ibig.
“Kumbaga, hashtags love wins. ‘Yun naman talaga ang pinaka- importante sa mundo. Kung ano ka, kung lalaki ka, babae ka, bakla ka, tomboy ka, aso ka. All is fair in love so for me love wins. Kumbaga, preference naman talaga ng tao ‘yan, eh. At the end of the day it’s is love,” deklara pa niya.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro