MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte sinasabing ang nagbigay permiso sa mga ‘leftist’ na magkaroon nang rally sa labas ng House of Representatives ngayong araw kasabay ng kanyang unang State of the Nation Address.
Ayon kay Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), kompara sa mga nakaraang pangulo ng bansa, “very open”si Duterte dahil sa pagpahintulot sa kanila na mag-rally.
Tiniyak din ni Reyes, magiging mapayapa ang kanilang isasagawang rally.
Nabatid na papayagang magsagawa ang nasabing grupo ng kanilang rally 300 meters malapit sa labas ng mababang kapulungan ng Kongreso.
“I’ve attended the Sona rally since 1992 as a freshman in (the University of the Philippines). The closest I’ve been was at the corner of Sandiganbayan (along) Commonwealth (Avenue),” pahayag ni Reyes.