MAGDUDULOT ng ulan sa lalawigan ng Aurora at mga karatig na lugar ang namataang low pressure area (LPA).
Huli itong natukoy sa layong 320 km silangan ng Baler, Aurora.
Ayon sa Pagasa, bagama’t malabo na itong maging bagyo, maaari pa rin nitong palakasin ang hanging habagat na maghahatid ng ulan sa kanlurang parte ng Luzon at Visayas.
Babala ng weather bureau, dapat maging alerto ang mga nasa mabababang lugar dahil sa panganib nang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nasa gilid ng ilog, tabi ng bundok at burol.