Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erik gusto nang mag-asawa, Angeline ‘di pa handa

ISA pang pabor sa same sex marriage ay si Angeline Quinto.

“Unang-una po ang dami kong kilala na parehong lalaki at babae ikinasal at saka minsan may mga nag-iinvite pa po sa akin na kumanta sa kasal nila, eh, ‘di trabaho rin ‘yun,” deklara niya.

Dagdag raket daw ito at dollars pa dahil sa ibang bansa niya ito ginawa. Legal kasi ang same-sex marriage roon.

“Sino naman ako para husgahan sila ‘di ba? Kung mahal nila ang isa’t isa, ako na lang ang kumanta,” sambit pa ni Angeline sabay tawa.

Samantala, inamin  din ni Angeline na minsan ay naging tanga siya sa pag-ibig. Non-showbiz daw ito.

“Kapag nagmamahal ako, minsan hindi ko na naiisip ‘yung sarili ko, pero kung naging tanga man ako sa pag-ibig noon, marami rin naman akong natutuhan hindi ko na babalikan, mature na ako ,” bulalas niya sa presscon ng That Thing Called Tanga Na na showing sa August 10.

May tsika ring huminto na raw sa pagkikita sina Erik Santos at Angeline. Gusto na raw ni Erik na mag-asawa pero hindi pa raw handa si Angeline. Marami pa raw siyang dapat gawin na hindi pa niya naibibigay sa pamilya niya. Ang gusto nga umano ng Mama Bob niya ay magbuntis siya pero hindi pakakasal.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …