Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, muling iginiit na walang isyu sa kanila ni Maja

SA isang interview ni Bela Padilla ay nilinaw niya na walang katotohanan ang lumabas na balita rati na nagkaroon ng isyu sa kanila  ni Maja Salvador na naging dahilan umano ng pagkakatanggal niya sa FPJ’s Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

“Wala, wala pong isyu at walang problema. May Viber group ang ‘Ang Probinsyano’ na nandoon pa rin ako. Recently nga, nag-usap pa kami ni Maj. Honestly, wala talaga, ‘yung fans lang talaga, which is very understandable,” sabi ni Bela.

Patuloy niya, ”Siyempre yung ibang tao, ang gustong makatuluyan (ni Coco) si Maja, ‘yung iba naman, ako. So, hindi mo maiiwasan ‘yun, lalo na it’s a very controversial show. Mataas talaga ang ratings. Iba-ibang opinyon… Wala talaga, wala kaming problema.”

Ayon pa kay Bela, hanggang doon na lang daw talaga ang role niya sa Ang Probinsiyano kaya pinatay na siya.

Martin, focus muna sa pag-aaral

WALA pang bagong serye ang guwapong young actor na si Martin Venegas after ng Bario Kulimlim. Focus muna siya sa kanyang pag-aaral na Grade 8 na siya sa Colegio de San Lorenzo. At least si Martin, kahit nag-aartista ay may oras pa rin sa pag-aaral. May pagpapahalaga siya sa edukasyon. At least nga naman kung sakaling dumating ang time na hindi na siya active sa showbiz ay may fall back siya, ‘di ba?

Samantala, sa tanong namin sa bagets kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho sa mga susunod niyang project, ang sagot niya ay kahit sino. Gusto niyang makatrabaho ang mga beterano at baguhang artista.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …