Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

1 patay, 2 sugatan sa truck vs trike sa La Union

LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang pasahero habang dalawa ang sugatan sa banggaan ng truck at tricycle sa national highway ng Brgy. Tubod, Sto. Tomas, La Union kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Winifredo Garcia, habang ang mga sugatan ay sina Julius Peralta, 23, at Edison Peralta, 25, ng Brgy. Fernando sa naturang bayan.

Base sa report ng Sto. Tomas Municipal Police Station, patungo ng timog na direksyon ang tricycle na minaneho ni Peralta nang mag-overtake ito at inagawan ng linya ang truck na minamaneho ni Estaneslao Micayas, 69, may asawa, residente ng Brgy. Valliona, San Jose Bulacan, na naging dahilan ng banggaan ng dalawang sasakyan.

Isinugod sa ospital ang mga biktima ngunit hindi nailigtas si Garcia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …