DAVAO CITY – Pinaalahanan ng Department of Health (DoH-11) ang mamamayan makaraan dalawang bata ang namatay dahil sa meningococcemia sa Southern Philipines Medical Center (SPMC).
Base sa record galing sa Infection Prevention ang Control Unit ng SPMC, taga-Davao City ang 5-buwan gulang sanggol habang galing sa Brgy. Tres De Mayo, Digos City ang 8-anyos bata.
Napag-alaman, hindi umabot ng 24 oras ang mga biktima mula nang dumating sa hospital at agad binawian ng buhay.
Parehong nakaranas nang mataas na lagnat ang mga bata at nakitaan ng black spots sa katawan.
Agad inilibing ang mga biktima para maiwasang makahawa sa mga kaanak.
Sa kabilang dako, hindi nakapagklase ang paraalan na pinapapasukan 8-anyos bata dahil hindi pinapapasok ng mga magulang ang kanilang mga anak sa takot na mahawaan ng meningococcemia.
Ang sakit na meningococcemia ay isang malalang sakit na dulot ng impeksyon ng bacteria sa itaas na bahagi ng daluyan ng paghinga (upper respiratory tract) at sa daluyan ng dugo (blood stream) na maaaring ikamatay kung mapababayaan.