TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, sisimulan na ang industriyalisasyon ng Filipinas para mapaunlad ang ekonomiya.
Sinabi ni Pangulong Duterte, bahagi ito ng kanyang pangako sa taongbayan bukod sa pagbabalik ng kaayusan sa mga lansangan at pagkamit ng kapayapaan.
Kaya naninindigan si Pangulong Duterte sa kanyang posisyon laban sa nilagdaang Paris Climate Agreement na nagsusulong ng pagpapababa sa carbon emission.
Ayon kay Duterte, luging-lugi ang mga mahihirap na bansa gaya ng Filipinas, sa nasabing kasunduan dahil narating na ng US, Europe at China ang kanilang destinasyon at sila rin ang pangunahing nagbubuga ng polusyon sa hangin.
Kaya iginiit ni Duterte, hindi niya susundin ang nasabing Climate Agreement dahil balakid ito sa hangarin niyang industriyalismo at pagtatayo ng mga pabrika sa bansa.
Kung ayaw aniya ng mayayamang bansa na makatabla ang Filipinas sa usapin ng industriya, kalokohan ang kasunduan lalo pa’t maliit na porsyento lang ang kontirbusyon ng bansa sa carbon emission.