TACLOBAN CITY – Nakataas ngayon ang mahigpit na monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa baybayin ng probinsya ng Samar kasunod nang naitalang dalawang namatay dahil sa red tide sa nasabing lugar.
Magugunitang iniulat ng BFAR-8, binawian ng buhay ang 5-anyos at 11-anyos bata makaraan kumain ng shellfish na kontaminado ng red tide toxins.
Nanawagan ang BFAR sa LGU’s na tumulong sa pagpatupad ng shellfish ban.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha, pagbenta at pagkain ng mga shellfish mula sa tatlong baybayin sa lalawigan ng Samar.
Napag-alaman, ang probinsya ng Samar ay isa sa pangunahing nagsusuplay ng tahong sa Metro Manila.