Friday , November 15 2024
dead gun police

Mag-utol niratrat 1 patay, 1 sugatan

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang isa pang biktima sa magkapatid na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang mga suspek sa labas ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Arthur Tabaquero, 43, ng Alaska St., Brgy. 151, habang ang kapatid niyang si Danilo, 39, ng nasabing lugar, ay nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Ang mga biktima ay nauna nang sumuko sa pulisya kaugnay sa “Oplan Tokhang” upang magbagong buhay na.

( ROMMEL SALES )

2 TULAK ITINUMBA

BUMULAGTANG walang buhay ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat nina SPO2 Eduardo Tribiana at PO3 Edgar Manapat, dakong 3:30 am, sakay ng bisikleta si Hernie Feliciano, alyas Balong ng P. Jacinto St., Brgy. 86, nang harangin siya ng armadong suspek at siya ay pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Samantala, dakong 1:00 am habang naglalakad sa Durian St. si Gerald Aveno, 27, ng Nicdao Compound, Sampaloc St., Reparo, Brgy. 178, Camarin, nang biglang sumulpot ang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo at siya ay pinagbabaril na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

( ROMMEL SALES )

2 PATAY SA SHOOTOUT  SA POT SESSION

PATAY ang dalawa sa tatlo katao na aarestuhin sana ng mga elemento ng San Nicolas Police Community Precinct ng Manila Police District (MPD), nang makipagbarilan sa mga pulis makaraan maaktohan sa pot session sa Binondo, Maynila kamakalawa.

Agad binawian ng buhay ang mga nasa watchlist ng pulisya na sina Dennis Ragub, alyas Buwaya, 35; at Frank Bural, alyas Panke, 29, kapwa ng 786-B Sevilla St. Binondo, Maynila.

Habang nakatakas ang isa pang  kasama ng mga suspek na hindi pa nakikilala.

( LEONARD BASILIO )

3 DRUG PERSONALITY UTAS SA RATRAT

PATAY ang tatlong hinihinalang sangkot sa droga makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo sa magkahiwalay na insidente sa Pasay City kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Redentor Manalang, 50; Michael Siaron, 30; at Ryan Alfred Esquivel, 33-anyos.

Ayon sa ulat, dakong 9:30 pm nang pagbabarilin si Manalang sa Zamora St. at Protacio St., Pasay City.

Habang bandang 12:45 pm kahapon nang pagbabarilin si Siaron sa panukulan ng EDSA at Rotonda sa nabanggit ding lungsod.

Si Esquivel ay pinagbabaril ng riding in tandem dakong 12:55 am kahapon sa Leveriza St., Brgy. 21, Zone  3 ng naturang lungsod.

( JAJA GARCIA )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *