TODO paliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte lung bakit pawang “maliliit na isda” o small-time ang mga napapatay sa maigting na operasyon laban sa ilegal na droga.
Ginawa ni Duterte ang pahayag nang marami ang nagtatanong kung nasaan na raw ang “big-time drug lords” at bakit mga mahihirap na pusher lamang ang naitutumba.
Sinabi ni Duterte, hindi basta-basta kayang abutin ang mga hinahanap na drug lords at kailangan pang makipaggiyera sa labas bago sila makuha.
Ayon kay Pangulong Duterte, alam niyang mga tinyente lamang ang mga nasa bansa at iba ang mga naglalaro o nagpapatakbo ng operasyon mula sa ibang bansa.
Inihayag din ni Duterte, gumagamit nang makabagong teknolohiya ang drug lords at hindi na kailangang pumunta ng Filipinas para magbenta ng shabu.
“I cannot tell you everything but you may want to know, nasa publiko tayo eh, kung gaano kalawak ito at kung saan galing ang direction. Kaya huwag kayo masyadong maniwala diyan sa mga sabihin nila na ano na: “Where is the big fish?” “Iyong malalaki?” Ang malalaki wala dito. Hindi kaya natin abutin. Makipag-giyera ka pa doon sa labas bago mo makuha sila. Lahat dito mga tinyente lang yan at mga tinyente lang, mga lieutenants, that’s a cliché. Tinyente lang sa negosyo at yung naglalaro. Hindi mo matapos ito kapag hindi mo putulin lahat kasi galing sa labas ang…” ani Duterte.