PATULOY pa rin ang paghikayat ng Commission on Election sa mga kabataan at bagong registrants para sa Sangguniang Kabataan at Barangay Election na huwag sayangin ang pagkakataon na magparehistro.
Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, sa isang linggong pagsisimula ng registration ng SK at barangay election registration ay hindi pa naabot ang kanilang expectation.
Sa ginawang pagbisita sa iba’t ibang Comelec offices ay mabibilang lamang ang nagpaparehistrong mga kabataan.
Target ng Comelec na mairehistro ang aabot sa 6 milyon botante sa buong bansa na makikilahok sa SK at barangay election.
Hinikayat niya ang mga kabataan na huwag nang hintayin ang ‘last minute’ na pagpaparehistro na magtatapos sa ika-30 ng Hulyo.