Monday , December 23 2024

2 pinasusuko sa droga pinatay

GENERAL SANTOS CITY – Patay ang dalawang lalaki na una nang isinailalim sa Oplan Tokhang makaraan barilin nang nakamotorsiklong mga suspek sa magkaibang lugar sa lungsod ng Heneral Santos kamakalawa.

Ang unang biktima ay kinilalang si Danilo Justana, 46, residente ng Prk. 7, New Santo Niño, Brgy. Apopong, GenSan, agad nalagutan ng hininga makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang mga suspek.

Napag-alaman, nakulong na noon ang biktima sa Palawan, Cebu, at sa Muntinlupa, at nasangkot sa kasong pagnanakaw.

Sinasabing nakatakda na sana siyang sumuko sa pulisya bitbit ang form para sa pag-surrender nang barilan ng mga suspek habang papunta ng presinto.

Samantala, agad ding namatay ang isang nagngangalang Raul Plomillo, 40, residente ng Prk. 5 Brgy. Lagao, GenSan makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaking nakamotorsiklo.

Nangyari ang pamamaril habang ang biktima ay nakabisikleta papunta sa kanilang lupain upang pakainin ang mga alagang hayop.

Bago ang pamamaril, hiniling ng pulisya sa pamilya na pasukuin ang biktima ngunit tumanggi sila.

AWOL PULIS TODAS SA BUY-BUST

CAMARINES SUR – Patay sa buy-bust operation ang isang 37-anyos AWOL na pulis nitong Sabado ng umaga sa Naga City.

Ayon sa Regional Anti-Illegal Drug Special Task Group Bicol, kinilala ang suspek na si Noel Balla.

Napag-alaman, sa loob mismo ng bahay ni Balla sa Zone 5B, Greenfield, Brgy. Peñafrancia, Naga City naganap ang transaksiyon dakong 10 am.

Ngunit nakatunog ang suspek kaya nagtangkang lumaban ngunit inunahan ng putok ng mga pulis.

Immigration officers babalasahin

MAGPAPATUPAD ng pagbalasa ng matataas na mga opisyal ng Immigration na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente, layon nang paglilipat ng Immigration officers ay para maiwasan ang pagiging malapit sa mga empleyado ng paliparan na isang dahilan ng korupsiyon.

Ito rin aniya ay para hindi magkaroon ng familiarization ang Immigration officers na magtutulak sa kanilang gumawa ng mga ilegal na gawain.

Ang paglilipat ng mga opisyal ng BI na nakatalaga sa paliparan ay kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Curfew sa LGUs constitutional — Palasyo

BINIGYANG-DIIN ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, naaayon sa Saligang Batas ang ipinatutupad na curfew sa mga kabataan sa ilang bayan at lungsod sa bansa.

Magugunitang may grupo ng mga kabataan ang nagpetisyon sa Korte Suprema para pigilan ang pagpapatupad ng curfew dahil sa pagkakaaresto ng ilang menor de edad na pauwi pa lamang mula sa klase.

Sinabi ni Atty. Panelo, puwedeng ipatupad ng local government unit (LGU) ang curfew kung ito’y hinihingi ng pagkakataon para sa pangangalaga ng mga mamamayan.

Ayon kay Panelo, simple lang ang solusyon sa reklamo ng mga kabataang apektado at hindi na kailangang idulog sa Korte Suprema.

Humingi na lamang aniya sila ng exemption dahil nag-aaral at kailangang lunabas para makauwi sa mga oras na ipinaiiral ang curfew.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *