Monday , December 23 2024

Dugo dadanak sa Bilibid

072316_FRONT
DADANAK ang dugo sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil isang berdugo ang bagong pinuno ng Bureau of Correction (BuCor) na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati sa mga sundalo ng 6th Infantry Division sa Maguindanao kahapon, sinabi ni Duterte, kaya niya pinili si Marine Major Gen. Alexander Balutan bilang bagong BuCor chief ay dahil berdugo ito.

“Naghanap ako ng berdugo e. Sabi ko sinong ipalit ko diyan sa Muntinlupa ko. Kausap ko si… Hanapan mo ako ng berdugo. Tapos itong si Alex Balutan, somebody mentioned his name. So si Alex Balutan. O ito, Berdugo talaga,” aniya.

Sang-ayon si Duterte sa plano ni Balutan na patayin at hindi siya makikipag-dayalogo sa mga sentensiyadong kriminal na sangkot sa operasyon ng illegal drugs sa NBP.

Aksaya lamang aniya sa pondo ng gobyerno kapag ginastusan pa ang pagkain nila na iniinsulto ang gobyerno.

“ O kita mo, tinake-over ng SAF. Tapos sabi niya, dialogue dialogue. Walang dialogue. Bakit ako mag-dialogue. Tama. Patayin mo ang mga putang inang ‘yan. Gastos sa pagkain wala namang silbi. Iniinsulto tayo,” dagdag ni Duterte.

May 320 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang itinalagang magbabantay sa NBP at kasama ang isang team ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Nanghinayang pa si Duterte na hindi pinatay na lang ang mga sangkot sa illegal drugs nang mahuli sa Davao City nang dahil sa kadadaldal ni noo’y Justice Secretary Leila de Lima.

Nang mahatulan aniya ng korte ang mga akusado at napunta sa NBP ay nagluto naman ng shabu.

“Where in the world, kinulong mo na nga kasi magluto ng shabu ang ulol. Hinuli ko na sa Davao, hindi ko na pinatay kasi itong si De Lima madaldal.  O ‘di buhay na ‘tong unggoy na ‘to. Nung pinadala sa Muntinlupa, nagluto na naman ng shabu. E ‘di mabuti pa sinalvage ko na lang. Anak ng.. So those are the things that, kaya kung bakit ganun. May ayaw talaga, may tao talaga gusto, e di ibigay natin ang gusto mo e,” sabi pa ni Duterte.

Matatandaan, isiniwalat ni Duterte na ang mga druglord sa NBP na sina Peter Co at Herbert Colangco, ang mga pinuno ng pinakamalaking drug syndicate sa bansa at mismong sa loob ng NBP iniluluto ang shabu.

ni ROSE NOVENARIO

19 HIGH PROFILE INMATES ILILIPAT SA MILITARY FACILITY

072316 bilibid Bucor balutan
INIHAYAG ni incoming Bureau of Corrections (BuCor) Director Major Gen. Alexander Balutan ang planong paglilipat sa military facility sa 19 high profile inmates o tinaguriang “Bilibid 19” na nakapiit sa Building 14 ng maximum security compound sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ang nabanggit na mga preso na kinabibilanga nina Herbert Colangco, Jayvee Sebastian at Peter Co ay maaaring ilipat sa ISAFP detention center, Tanay detention facility o sa Caballo Island sa Cavite.

Naniniwala si Balutan, epektibo ang implementasyon ng “Oplan Galugad” bilang paghihigpit ng seguridad kontra sa pagpupuslit ng mga kontrabando sa NBP.

Naniniwala si Balutan, mula sa 930 prison guards, malaking porsiyento nito ang kasabwat ng mga preso sa pagpapasok ng kontrabando sa piitan katulad ng droga at cellphone.

( JAJA GARCIA )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *