Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, nagpaka-feeling star sa Pahinungod Festival

SEXIEST, yes! Professional, no! Ganyan nakita ng grupo ni Jobert Sucaldito, na nag-anyaya ng mga artist para sa weekly celebration ng 97th fiesta ng Carrascal sa Surigao del Sur sa kanilang Pahinungod Festival kung ano ang pakiwari ni Jessy Mendiola sa sarili.

Smooth mula Sunday (July 10) hanggang Huwebes ang takbo ng pag-aasikaso ng grupo sa artists na in and out ng Carrascal na gabi-gabing naghahatid ng saya sa mga kababayan nina Governor BB Pimentel, anak na si VJ Pimentel at ni Vice Mayor Alfred Areza.

Mula Lunes hanggang Huwebes, ang line-up ay kiabilangan sina Sarah Lahbati (from another group), Jaya, AJ Tamiza, Michael Pangilinan, Morissette Amin, Randy Santiago, Boobsie Wonderland, Imelda Papin, Kyla, Marco Sison, Rowel Quizon, Hale Band, Deejay Jennifer Lee, Powerspooms Band (from Cebu). At para sa huling gabi ng mga pagtatanghal, ang pagsasama-sama naman nina Jessie Mendiola, Julie Anne San Jose, Sam Pinto, Pepay, Tammy Brown and Billy Crawford.

Sina Jessy at Julie Anne eh, from another group.

Nairita lang si Jobert nang makarating sa kanya ang balitang nag-astang primadonna ang Jessy na personal pang sinundo ni Mayor VJ from Butuan airport na three hours ride to Carrascal. May nakahandang lunch sa mansion ng mga Pimentel na gabi-gabi ring may nakahain na dinner para sa lahat ng guests.

Pagdating ng mansion diretso na raw sa room niya ang Jessy at mga kasama. Nagpahatid na lang ng pagkain. Nasaan naman ang kortesiya na magbigay-pugay man lang sa mga taong umimbita sa kanya?

Okay na inintindi na lang na baka pagod.

Kinagabihan sa dinner, naroon na sina Julie Anne, Sam, Pepay, Tammy Brown, at Billy eh, huli pa rin siyang nakipag-dinner.

Nagtataka nga si Jobert dahil may nagsabi sa kanya na hindi pinapayagan ang Star Magic artists to fly to a no fly zone like Butuan. Na sila rin lang umano ang nagdeklara. Naitakas si Jessy? At nagtaka rin kami na ang parang RM o handler niya that night eh, ang lumipat na sa poder ni Becky Aguila na si Joanne Angeles. Sumama raw siya roon as Jessy’s friend. So more or less, alam na namin kung bakit natuklasan ni Jobert na ang daming demands ng grupo nila.

Nagpakuha pa ng additional bodyguards from the person na nag-invite sa kanya (ikaw ‘yun Marvin Caldito) sina Jessy. Lima! Samantalang may mga assigned ng bodyguards si DILG Chief Joseph Urgel sa grupo bawat gabi.

It’s showtime na! Bumigay na talaga at nagalit si Jobert nang sabihin sa kanya ng grupo ni Jessy na siya ang magpi-finale and not Billy!

Talak na si Jobert sa kausap niya. Hindi raw ‘yun pwedeng mangyari. And not because si Jessy ang sexiest sa cover ng isang magazine eh, kailangan na nitong mag-feeling malaking star. Sa kalibre ni Billy ito pa rin ang mas higit sa kanya.

At sabi nga ni Jobert wala ‘yung magazine na ‘yun sa nasabing mayamang bayan na ang industriya eh resposible nickel mining!

Hirit pa rin ang mga hitad. Kinabukasan, hindi rin sila sumabay sa early flight ng lahat ng artists at nagpalipat sa hapon. Talagang gusto nilang nakahiwalay sila sa karamihan para solo rin nila ang service.

Never again! Sa kahit na anong show pa raw na darating na gugustuhin ni Jobert na makasama ang primadonang jowa ni Luis Manzano na bestfriend ni Billy.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …