Monday , December 23 2024

Trust rating ni Digong 91% record high — survey (Palasyo nagpasalamat)

PUMALO sa record-high ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan ng Hulyo.

Batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Hulyo 2-8, siyam sa bawat 10 Filipino ang nagtitiwala kay Pangulong Duterte o 91 porsiyentong trust rating.

Ang face-to-face interview ng Pulse Asia sa 1,200 respondents sa iba’t ibang panig ng bansa ay isinagawa noong panahong pinangalanan ng Pangulo ang limang heneral na isinasangkot sa ilegal na droga.

Nasa 97 porsiyentong trust rating ang nakuha ng Pangulo sa Mindanao, sinundan ng NCR na 92 porsiyento habang parehong 89 porsiyento sa Visayas at balance of Luzon.

Sa naturang survey, nakakuha ng 62 porsiyentong trust rating si Vice President Leni Robredo.

Habang nakakuha ng 35 porsiyentog trust rating si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kaparehong survey ng Pulse Asia.

PALASYO NAGPASALAMAT

NAGPASALAMAT ang Malacañang sa lubos na suporta ng sambayanang Filipino sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar makaraan ilabas ng Pulse Asia ang resulta ng kanilang survey na siyam sa sampung Filipino ang nagtitiwala kay Pangulong Duterte.

“This expression of confidence, therefore, shall serve as an inspiration to Duterte administration to continuously make a real difference to make our people’s lives better, safer, and healthier,” sabi ni Andanar.

Base sa Pulse Asia survey, pumalo sa 91 porsiyento ang nagtiwala kay Pangulong duterte.

Isinagawa ang survey sa pagitan ng Hulyo 2-8 sa 1,200 respondents noong panahong isiniwalat ni Pangulong Duterte ang limang narco generals.

Habang umabot sa walong porsyento ang hindi pa makapagdesisyon at 0.2 porsiyento ang nagpahayag ng kawalan ng tiwala sa pangulo .

Pinakamataas na nagtiwala sa Pangulo ang Mindanao sa 97 porsiyento, sinundan ng National Capital Region, 92 porsyento, habang ang Luzon at Visayas parehong 89 porsiyento.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *