Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Kiss & feeling heaven w/ BF

Good pm po,

Ask ko lng po Señor, ung dream ko ay nagkiss dw s akin yung bf ko at ang saya2 ko daw tas ay tumatalon daw kaming 2 tas ay parang lumipad p kami, tas ay naglakad na kmi and madaming bulaklak at halaman, slmat po – Cathie

To Cathie,

Ang panaginip ukol sa halik ay may kinalaman sa love, affection, tranquility, harmony, at contentment. Maaari rin na ikaw ay naghahanap ng bagong pagmamahal o ng taong kakalinga sa iyo, lalo na kung ikaw ay loveless sa kasalukuyan, kaya naging ganito ang panaginip mo.

Ang panaginip naman na masaya ka kasama ang boyfriend mo ay maaaring compensatory dream, lalo’t kung hindi naman talaga ganito ang sitwasyon sa inyo ng BF mo. Kadalasan kasi sa mga ganitong sitwasyon, kung ano ang hinahangad mo o nais mong mangyari na hindi naman nagkakatotoo sa reyalidad, sa panaginip ito lumalabas dahil iyon ang lagi mong inaasam at nakakintal na sa iyong isipan.

Kapag sa panaginip ay tumatalon ka, nagpapakita ito ng pangangailangang makipagsapalaran upang makuha ang iyong minimithi. Mapagtatagumpayan mo ang mga balakid sa buhay at makikita ang napipintong magandang resulta sa inaasam mong layunin. Maaaring nagpapabiwatig din ito ng pagtalon dahil sa sobrang kaligayahan o kaya naman, ng kawalan ng pasensiya at pagiging padalos-dalos sa mga ginagawang mahahalagang desisyon. Kung ano ang naramdaman mo sa panaginip na ito ay maaaring magbigay sa iyo ng dagdag na kahulugan. (Itutuloy)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …