Saturday , November 23 2024

Aljur, kinailangang magbawas ng 15 lbs. at magpahaba ng buhok

00 SHOWBIZ ms mMARAMI mang panunudyong natanggap si Aljur Abrenica ukol sa biglang pagpayat at pagpapahaba ng buhok, hindi iyon pinansin ng actor. Bagkus, nakatulong ito para pagbutihin ang ginawang paghahanda sa paggawa ng Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli na napiling closing film ng 2016 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa Agosto 13 sa Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) ng Cultural Center of the Philippines.

Mismong ang director ng Hermano Puli na si Gil Portes ang nagpaliwanag kung bakit kailangang maging ganoon ang hitsura ni Aljur.

“Base sa mga research at pakikipag-usap namin sa mga historian ukol sa buhay ni Puli, we found out that he was a very young preacher, a very  charming preacher that he was able to convince people from Tayabas (Quezon na ngayon), Batangas, Laguna, and Manila to join the Cofradia de San Jose.

“Iyon ang isang asset na nakita namin kay Aljur, ‘yung innate charm niya na kailangan naming ipakita rito sa pelikula.

“Kailangan ang preacher ay very charming, charismatic and he was very young when he died. He was only 27 nang mamatay siya (Puli),” paliwanag ni Direk Portes sa presscon ng Hermano Puli na ginawa sa Limbaga 77 Cafe Restaurant noong Martes.

Sinabi naman ni Aljur na, “Sinadya kong magbawas ng 15 lbs. Ito ‘yung time na marami nang write ups kung bakit tayo pumayat, kung depress daw ba tayo, blah blah blah.

“Ang totoo, kung bakit tayo pumayat at nagpahaba rin tayo ng buhok ay dahil dito sa pelikulang ito. Ito ‘yung paraan ko para i-feel ang papel na gagampanan ko and it’s my honor na gampanan ang buhay ni Puli. Tulad niya, ang compassion niya sa tao makikita physically and emotionally.”

Bukod sa paghahandang ito, ikinuwento rin ni Aljur na nagtungo pa siya ng Quezon province at nanatili roon ng apat o less than a week para tingnan ang mga lugar tulad ng kung saan siya ipinanganak, pinaglakaran nitong mga baryo na ngayon daw ay puro talahib na. “Sinadya ko talaga ‘yung lugar hanggang doon sa ilog kung saan siya naliligo…nakakatakot na siya tingnan ngayon kasi dala na rin ng bagyo binagsakan na ng mga punongkahoy kaya parang tinitirhan na ng mga sawa.

“Pero pinilit ko pa ring puntahan kasi ‘yung tinahak ni Puli andoon eh, sa ilog na ‘yun. So mai-imagine mo pinuntahan niya ‘yun… creativity,  nilaro ko ‘yung pag-iisip ko sa character niya.

Dagdag pa ni Aljur, “And I heard na may isinulat si Dr. Jose Rizal about him na nagpapasalamat siya. Kumbaga pumunta si Rizal doon mismo kung saan itinali si Puli at nagbigay siya ng paggalang na kung hindi dahil sa kanya…nakasaad sa diary…malamang ang mga Pilipino tulog pa rin. Siya (Puli) ‘yung nag-spark sa buhay ng tatlong pari at mga bayani natin.”

072116 aljur louise
Sino si Hermano Puli

Sa kabilang banda, sinabi pa ni Direk Portes na, “I am proud to join this year’s Cinemalaya with my latest work because this festival is close to my heart.”

Ang Hermano Puli ay ipinrodyus ng T-Rex Entertainment at isinulat ni Enrique Ramos. Si Hermo Puli ay isang preacher na nagmula sa Lucban, Quezon na nagsimula ng pag-aaklas para sa pagkakapantay at kalayaan ng relihiyon laban sa Spanish colonial government half a century bago ang martyrdom nina Rizal, Bonifacio, at Luna.

Ipinagdiriwang ng pelikula ang kabayanihan ng mga kabataang Filipino noon na nagbuwis ng kanilang mga buhay para makuha natin ang kalayaang tinatamasa natin ngayon. Tulad nina Rizal at Bonifacio, si Apolinario dela Cruz, kilala bilang Hermano Puli ay isang kabataan noon na kinukuwestiyon ang diskriminasyon ng Spanish era.

Nasa edad 18 lamang noon si Puli nang itatag niya ang Cofradia de San Jose, isang religious brotherhood na mabilis kumalat sa mga kapwa Pinoy hanggang Souther Tagalog. Nasa edad 27 or 28 lamang noon si Puli nang hinatulan siyang mayroong maling pananampalataya at hinatulan ng colonial government.

Kaya naman sa edad 26, tamang-tama si Aljur para gumanap sa most challenging role na ito. Kasama rin niya rito sina Louise delos Reyes, Enzo Pineda, Markki Stroem, Kiko Matos, Vin Abrenica, Ross Pesigan, at sa kanyang acting debut, ang nakababatang kapatid ni Aljur, si Allen Abrenica.

072116 bayani ba to
Campus tour ng Bayani Ba ‘To?

At para maipalaganap ang mensahe ng pagkabayani sa mga kabataan ngayon, naglunsad ang Hermano Puli ng nationwide campus tour ng forum ukol sa heroism, ang Bayani Ba’ To?. Nagsimula na ito noong Hulyo 9 sa Angeles University Foundation na dinaluhan ng humigit kumulang sa 1,300 college students.

Ikakalat pa ito sa 40 colleges nationwide hanggang sa maipalabas ito commercially sa Setyembre.

Tampok pa sa Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli sina Menggie Cobarrubias, Stella Canete-Mendoza, Alvin Fortuna, Sue Prado, Abel Estanislao, Simon Ibarra, Jun Nayra, Diva Montelaba, at Elora Espano.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *