SI Raymond Cabral ang leading man ni Aiko Melendez sa pelikulang Tell Me Your Dreams. Siya ang mister ni Aiko rito na isang OFW sa Japan. Ito’y isang advocacy movie mula sa Golden Tiger Films na pag-aari nina Ms. Tess Gutierrez at Mr. Gino Hernandez.
Isasali ang naturang proyekto sa film festivals sa Sydney, Australia at Orange Film Festival sa Turkey, kaya naman talagang binubusisi ng director nitong si Anthony Hernandez ang naturang pelikula.
Samantala, bagay na bagay kay Raymond ang papel niya bilang isang OFW dahil sa totoong buhay ay naranasan niya ito talaga. Three years kasing nagtrabaho si Raymond sa Macau bilang model.
“Mas feel ko po ang role ko rito, kasi sa experience ko roon, marami na akong idea kaya alam ko talaga kung paano gagampanan ang buhay ng OFW. Sa Macau, kailangan talaga na matuto kang makisama sa lahat. Kailangan ay cowboy ka at marunong makisama kahit na ano pa ang ugali ng mga kasamahan mo sa trabaho,” pahayag niya.
Napa-away din daw siya roon kahit na talagang nag-iingat siya. “Kahit umiiwas, napaaway din ako roon, hindi ko alam kung bakit… pero okay naman po, naayos din naman.”
Sinabi rin ni Raymond ang kagalakan na ma-ging leading man ni Aiko sa pelikulang ito. “Actually masaya po, first time kong makakasama sa trabaho si Ms. Aiko sa pelikula. Kaya parang kinakabahan na excited po ako rito, beteranang aktres na kasi siya at award-winning pa.
“Hindi po maiiwasang kabahan po ako, kaya gagawin ko ta-laga ang lahat, para magampanan nang maayos iyong role ko rito,” saad ni Raymond.
Sa ngayon, natapos na rin ni Raymond ang dalawang indie films na siya ang lead role.
Ito ang Amalanhig na isang horror film at mula sa direksyon ni Jun Posadas. Ang isa pang nagawa niya’y another advocacy film titled Sa Isang Iglap ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan. Si Raymond ay naging bahagi rin ng seryeng Pasion de Amor at ng katatapos lang na We Will Survive! ng ABS-CBN.
Ano ang masasabi mo na mula nang nagbalik-showbiz ka ay sunod-sunod na ang projects mo?
Sagot ng talent ni katotong Throy Catan, “Sobrang thankful po at sana po ay magtuloy-tuloy pa. More blessings pa sana, more projects, malayo tayo sa mga sakit, at laging healthy.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio