AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na malaking problema kung saan kukunin ang pondo para sa rehabilitasyon ng sumukong drug addicts sa buong bansa.
Sinabi ni Pangulong Duterte, tumataas ang bilang ng mga sumusukong lulong sa ilegal na droga makaraan simulan ang pinaigting na kampanya laban sa illegal drug trade.
Sa ngayon, nasa 88,000 na ang sumukong drug pushers at users sa mga awtoridad sa buong bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tinatayang nasa 3 milyon ang drug addicts sa bansa.
Wala aniya siyang sinisising administrasyon sa pagtaas ng bilang ng mga lulong sa ilegal na droga ngunit lumaki nang husto ang problema dahil sa epektong dulot nito sa mamamayan.