Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Gerald Anderson

Gerald Anderson, nag-macho dance kay Bea Alonzo

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG ni Bea Alonzo na kinabahan siya sa love scene nila ni Gerald Anderson sa pelikulang How To Be Yours ng Star Cinema. First time na nagtambal sa pelikula ang dalawa at ami-nadong may ilang factor noong unang araw ng shooting nila.

Nang usisain ang Kapamilya aktres kung may love scene ba sila sa pelikulang ito ng ex boyfiend niya, eto ang kanyang sagot: “Mayroon, kasi ano siya, e, istorya ng isang relasyon, anatomy of a relationship nga. So, mayroon,” saad ni Bea.

Sinabi rin niyang sa simula ay kinabahan daw siya sa naturang eksena, pero may touch daw ito ng comedy para sa kanya nang biglang nagsayaw si Gerald.

“Noong una, kabang-kaba ako. Siyempre naman, kapag eksena namang ganyan, lalo na kapag babae ka, nakakakaba naman talaga. Pero ito na yata ang pinakanakakatawang love scene na nagawa ko. Kasi bigla na lang siyang magma-macho dance na ganyan.

“So, talagang matatawa ka na lang, kaya ang light lang ng approach. Noong  ginawa  niya   iyong macho dancing, mas naging komportable ako, mas naging fun na siya,” nakatawang sabi ni Bea.

Posible bang magkabalikan sila ni Gerald, lalo’t nagkasama sila ngayon sa pelikula? “Hindi ko po masabi, e. Hindi ko po alam. Hindi naman po iyan ang iniisip namin. Ngayon, we’re just working on a project together na sobrang nag-e-enjoy kami. I must admit nag-e-enjoy talaga akong kasama siya, like sometimes I look forward going to the set to see him, to see Direk. So, parang hindi ko kayang pumunta pa roon (sa balikan with Gerald) as of now.

“Gusto ko lang i-embrace kung ano ‘yung nararamdaman ko ngayon, and that is enjoying every moment right now,” esplika ni Bea.

Ang How To Be Yours ay mula sa direksiyon ni Dan Villegas. Tampok din dito sina Alex Vincent Medina, Anna Luna, Bernard Palanca, Bryan Sy, Devine Aucina, Janus Del Prado, Jerome Tan, at Nicco Manalo at mapapanood na sa Hulyo 27.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …