Monday , December 23 2024

Problema sa ilegal na droga ilalatag ni Digong sa China (Drug traffickers pawang Chinese)

NAIS usisain ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng China kung bakit karamihan sa kanilang mga mamamayan na nagpupunta sa Filipinas ay nasasangkot sa illegal drugs.

“Most of them really are Chinese. That’s why that’s my lamentations. Sabihin ko sa China one day: Bakit ganito ang sitwasyon? Why is it that your — hindi ko naman… not your sending — but most of the guys that come here do drugs, pati sa loob na. Kagaya sa Jolo. ‘Wag naman sila masabi sa akin na may bias ako. Sabi ko nga na Maranao ang nanay ko,” wika ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa reunion ng Batch ’71 at ‘72 ng San Beda Law College na ginanap kamakalawa ng gabi sa Heroes Hall ng Malacañang.

Siniguro ni Duterte sa kapwa niya Bedista na hindi siya aatras sa kanyang laban sa illegal drugs kahit mangahulugan pa ito ng kanyang buhay, puri at pagiging pangulo ng bansa.

“You know, we can only accept a few of the humiliations. Kagaya nitong drugs na ikinulong mo na nga, hinuli ko na. Instead of just finishing of the guy, because there’s a public outcry, at that time hindi niyo kasi alam. Hindi ko na lang tinapos. We had a judicial proceedings, convicted and sent to the national penitentiary. Pagdating doon, anong ginawa? Ganon. Hindi lang namin masabi noon,” wika ng Pangulo.

Aniya, uunahin muna niyang lutasin ang problema sa droga, corruption at kriminalidad saka niya haharapin ang problema sa Abu Sayyaf gayondin ang suliranin ukol sa gambling.

Dagdag ng Pangulo, itataya niya ang presidency, karangalan at maging kanyang buhay sa paglaban sa illegal drugs, corruption at krimen dahil hindi niya papayagan na tuluyang masira ang bansa.

“I will stake the presidency, the honor that goes with it and my life. Hindi ako aatras dito. Hindi mo ako matakot diyan human— I will not allow the country go to the [inaudible]. I will not allow my country to be destroyed,” dagdag ni Duterte.

Paliwanag niya, wala sa kanyang kapangyarihan na magbigay ng “due process”kundi ang korte at kaya niya tinukoy sa publiko ang mga sabit sa illegal drugs dahil ang kanyang sinumpaang tungkulin protektahan ang bansa.

“Why would I give you a process? I’m not… I’m the president. I am not… Hindi ako nagpo-proseso. I just name you publicly because it is my sworn duty to protect the nation and tell you what the problem is and who are the people behind it,” wika niya.

Aniya, kung nais ng mga suspek ng due process ay doon sila sa korte magpunta dahil trabaho niya bilang pangulo ng bansa na ipaalam sa publiko ang mga nasa likod nang paglaganap ng droga sa bansa.

( ROSE NOVENARIO )

PARDON IGAGAWAD  SA PULIS NA PAPATAY SA DRUG PUSHER

HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na araw-araw bigyan ng pardon ang mga pulis at militar na kinasuhan dahil sa pagganap sa tungkulin basta magsabi lang sila nang totoo.

“Ipitin ninyo ako. Gano’n ang mangyari. I will not hesitate to pardon 10, 15 military and policemen everyday. O, magreklamo… E nandiyan sa Constitution e. Pardon,” ani Pangulong Duterte sa reunion ng batch 71 at 72 San Beda Law School sa Palasyo kamakalawa.

“‘Wag kayong mag-imbento. Do not fabricate evidence. I will hear you. And if you’re telling the truth, sabihin mo ako. Utos ni Mayor Rody. Sabihin mo riyan sa judge, sabihin mo riyan sa piskal, sabihin mo sa Ombudsman, sabihin mo sa Human Rights. ‘Wag mong sabihin sa akin kasi alam ko na. Just come to me. Why? Meron akong nakita sa Constitution. Just my… itong panlaban ko: The right or the power of the president to pardon,” sabi ng Pangulo.

( ROSE NOVENARIO )

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *