SISIMULAN sa Agosto ang pagsasagawa ng lifestyle check ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga ahensiya na saklaw nito.
Ayon kay DILG Sec. Mike Sueno, ipinoproseso na raw ang pagpapatupad nito.
Aniya, isailalim sa lifestyle check ang local chief executives, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, at Bureau of Fire Protection.
Layon nito na malinis ang kanilang hanay laban sa mga tiwali at ilegal na gawain.
Samantala, tumangging magbigay ng ideya ang kalihim kung sino ang mga alkalde na sangkot sa illegal drugs dahil si Pangulong Rodrigo Duterte aniya ang may karapatan na magsiwalat ng kanilang mga pangalan sa tamang panahon.