Friday , December 27 2024

FPJ’s Ang Probinsyano, 1 taong numero uno

MALALAKING sorpresa ang handog ng numero unong teleserye sa bansa, angFPJ’s Ang Probinsyano sa paparating na mga buwan bilang paghahanda at pasasalamat sa nalalapit nitong anibersaryo sa Setyembre na tiyak pakaaabangan ng mga manonood.

Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa seryeng pinagbibidahan niCoco Martin, makakasama pa rin ng mga tagasubaybay ang top-rating series bilang katuwang sa pagbibigay-aral at sa pagsasalamin ng araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilyang Filipino.

Mula ng umere ang Ang Probinsyano, ipinakita nito ang kahalagahan ng kapakanan ng pamilya at pagkakaroon ng matinding pagmamahal para sa bayan.

Nagbigay kaalaman din ang palabas ukol sa mga laganap na modus ng mga kawatan sa kampanya nitong Ligtas Tips na naglalayong tumulong sa mga mamamayan para makaiwas sa pambibiktima ng mga sindikato. At ilan nga sa mga natalakay na modus ng kampanya ay ang budol-budol, kidnapping, at riding in tandem.

Hindi lang sa ratings namamayagpag ang serye kung hindi pati na rin sa social media. Consistent itong trending topic sa microblogging site na Twitter at mayroong milyon-milyong hits sa YouTube na kinatutuwaan ang mga eksena nina Onyok (Simon Pineda) at Makmak (McNeal Briguela) sa programa.

Lubos ding kinagiliwan ang sorpresang guest stars sa palabas na mas nagpainit at nagdagdag ng aksiyon sa serye. Ilan nga sa mga ito ay sina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Richard Yap, Jake Cuenca, Elmo

Magalona, Janella Salvador, Gina Pareño, at Christopher de Leon. Naging bahagi rin ng top-rating series sina Nikki Valdez, Jane Oineza, Jay Manalo, Joem Bascon, Smokey Manaloto, at Maricar Reyes.

Bilang pasasalamat naman ng matagumpay na serye, ilang outreach programs na ang idinaos upang makatulong at makapagpasalamat sa mga kababayang nangangailangan. Isa na nga rito ang nakaraang Oplan Balik Eskwela na pinangunahan ni Coco na namahagi siya ng school supplies sa mga mag-aaral ng Paradise Farm Elementary School sa Bulacan.

Huwag palampasin ang mga maaksiyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *