Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Local at OPM singers, suportado ng AIM Global

00 SHOWBIZ ms mISA sa pinakamalakas ngayon sa larangan ng multi-level marketing angAlliance In Motion Global Inc. (AIM Global) na nagdiriwang ng kanilang ika-10 taon sa industriya.

Ayon sa talent coordinator na aming nakausap, umabot sa P12-M ang ginastos ng AIM Global sa concert pa lamang na kanilang isinagawa sa Philippine Arena. Ang nakatutuwa, pawang local o OPM singers ang kanilang kinuha.

Pero hindi lang performers ang nakikinabang sa malakas na sales ng AIM Global products, dahil karamihan sa mga taga-showbiz ay aktibo na rin sa pamamahagi ng iba’t ibang produkto nito tulad ng 24/7 natural ceuticals anti-oxidant; Complete Phyto-Energizer; Restolyf; Choleduz (source of Omega 3 fatty acids); Vida Maxx (cardiovascular food supplement); My Choco (premium chocolate beverages); Alkaline coffee; Whitelight Glutathione; NaturaCentals Herbal Toothpaste; NaturaCentals Cleansing & Whitening Bar; Nature Feminine Wash at marami pang iba na puwedeng ma-check sa website.

At isa sa mga naririnig naming nagkaroon ng big success sa AIM Global ay ang dating child actress sa ABS-CBN na si Ani Pearl Aquino.

Sa kabilang banda, tatlong araw na isinagawa ang pagdiriwang ng 10th anniversary ng Alliance in Motion Global na may temang A Decade of Passion, Service, and Excellence sa Cuneta Astrodome, Philippine Arena at Solaire Hotel.

Dinayo ito ng mga miyembro galing sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at mundo, tulad ng Asia, Middle East, Europe at United states. Inumpisahan ang launching ng kanilang AIMcademy ng isang buong araw na training na ang layon ay Product Awareness and Presentations.

Ang mga trainor ay pinangunahan ng mga Top Executive ng AIM Global, tulad nina Dr. Ed Cabantog (CEO), Engr. Francis Miguel (CFO), at Mr. John Aspirin (CMO), kasama ang dalawang Vice Presidents na sinaArnel Limpin at Jurgen Gonzales at ang kanilang medical consultant naDr. Butch Villena. Kabilang din sa mga naging tagapagsalita ang itinuturing na eksperto sa larangan ng multi level marketing na si Mr. Art Jonak na sinusugan naman ng iba pang banyagang panauhing tagapagsalita na sina Mr. Dean Moris (Nature’s Way Master Herbalist), Mr. Bill Robbs (Weider Global Nutrition), Dr. James Bauly (DSM Nutritional Product) at Dr. Rudy Simons (Frutarom Switzerland).

Ang ikalawang araw naman ng selebrasyon ay isinagawa sa Philippine Arena sa Bulacan, na dinaluhan ng libo-libong mga miyembro ng AIM Global.   Unang bumulaga sa stage si Ely Buendia para sa pre-event sumunod si KZ Tandingan na kumanta rin ng mga pinasikat niyang awitin. Nanatiling buhay at punumpuno ng energy ang buong lugar nang mag-perform din si Bamboo ng kanyang hit songs.

Sa ikatlo at huling araw naman ng grand celebration, muling naghandog ang AIM Global ng eksklusibong prestihiyosong black-tie event sa grand ballroom ng Solaire Hotel Resort and Casino. Nagtanghal din ang talentado at magandang si Julie Ann San Jose.

Isang marangyang gala night ang nasabing pagtitipon na dinaluhan ng humigit-kumulang isang libo katao bilang pasasalamat ng pamunuan sa kanilang nakamtang tagumpay at katatagan sa loob ng 10 taon sa larangan ng pagnenegosyo na kanilang kinabibilangan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …