NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes na papatayin si Cebuano-Chinese businessman Peter Lim kapag napatunayan ng mga awtoridad na kabilang siya sa top three drug lords sa bansa.
Sa kanilang pagpupulong nitong Biyernes sa Cebu City, sa video na naka-post sa Facebook account ng state-run RTVM, sinabi ni Duterte, tatapusin niya si Lim kapag napatunayan sa imbestigasyon na siya ay isang drug lord.
“Nagbanta gyud ko nimo na ipapatay ta ka. Sa tinood lang ipapatay ta gayud ka. Basta masilip nako (nga apil ka) tiwasan ta gyud ka. (I warned you that I will have you killed. I will really have you killed. If I’m able to prove [you’re a drug lord], I will finish you off),” pahayag ni Duterte kay Lim.
Bilang tugon, sinabi ni Lim, naugnay lamang ang kanyang pangalan sa droga sa isinagawang congressional investigation.
Ngunit sinabi ni Duterte, “nganong moaso man. kung naay aso naay [kayo] (if there’s smoke, there’s fire). Why does your name keep coming out in the investigations?”
“I would advise you to submit yourself to investigation under my administration,” dagdag ni Duterte.
Ang video ng pulong ni Duterte kay Lim ay base sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region XI.