NILINAW ng Malacañang, hindi pa pormal na tumatanggi si dating Pangulong Fidel Ramos na maging special envoy sa China sa negosasyon kasunod ng Arbitration Tribunal ruling.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, sinabi lamang ni Ramos na baka masyado na siyang matanda para sa mahabang proseso ng negosasyon.
Ayon kay Abella, pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ramos na manguna sa pakikipag-usap sa China dahil sa angking talino bilang statesman.
Inihayag ni Abella, posibleng sa susunod na linggo pa sila magbigay ng pormal na komento sa Tribunal ruling dahil inaaral pa ito sa Gabinete.
“Former President FVR did not decline but he did make a comment saying that he may be too old for the… for a long term commitment. I think he said it in passing,” ani Abella.