Saturday , November 16 2024

Dalawang nakasakong bangkay ‘napulot’ sa Maynila

DALAWANG nakasakong bangkay ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Maynila, sa pagitan nang mahigit isang oras, kahapon ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Charles John Duran, unang natagpuan ang nakasakong bangkay sa kanto ng Pedro Gil Street, at Taft Avenue, Ermita, Maynila dakong 2:45 ng madaling araw.

Paglipas ng isang oras at kinse minutos, sunod na natagpuan ang isa pang nakasakong bangkay sa Sampaloc, Maynila.

Kapwa walang pagkakakilanlan ang dalawang bangkay na pinaniniwalaang biktima ng salvage.

Ang nakasakong bangkay sa Ermita ay tinatayang 50-55 anyos, may taas na 5’2″, at nahulog sa isang tricycle nang banggain ng isang taxi.

Nang mahulog sa tricycle ang sako, ayon sa security guard ng Petron na si Ronnie Caunan, nilagyan ng karatulang “talamak na user/salisi wag tularan kayo na ang susunod” ng back rider.

Pagkatapos ay mabilis na umalis ang driver at back rider ng tricycle.

Ang nakasakong bangkay sa Sampaloc ay itinapon sa harap ng isang high school sa Blumentritt street.

Wala rin pagkakakilanlan ang tinatayang 50-60 anyos na biktima na nakitang nakatali ng packaging tape ang mga kamay at paa, nakabalot ng transparent na plastic ang ulo at may fan belt na nakapulupot sa kanyang leeg.

Walang kamag-anak na umangkin sa dalawang bangkay.

( KIMBEE YABUT at JOANNA CRUZ )

3 PATAY SA BUY-BUST OPS SA PANDACAN

PATAY ang tatlong lalaking hinihinalang mga tulak at runner ng shabu nang manlaban sa mga awtoridad nitong Biyernes ng gabi sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang mga napatay na sina Rodolfo Valdez, alyas Ompong, Ryan da Silva, alyas Boy T, at Cesar Blanco.

Sa ikinasang buy-bust operation, orihinal na target ng mga pulis si Ompong na noong Hulyo 4 ay sumuko at nanumpang magbabagong buhay.

Ngunit sa ‘monitoring’ ng pulisya, bumalik siya sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga.

Ang dalawa sa mga napatay ay sinasabing nagsilbing runner ni Ompong.

( LEONARD BASILIO )

TULAK KUMASA SA PARAK, TIGBAK

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa inilunsad na “Oplan Galugad” sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Agad binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang suspek na si RomeoMariano, alyas Omeng, 40, ng 38 Sampaguita St., Brgy. 160, Baesa ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon nina PO3 Noel Bollosa at PO2 Cesar Garcia, dakong 5:45 am habang pagpapatrulya ang mga awtoriad sa kahabaan ng Magdalena St., Brgy. 163, Sta. Quiteria nang maaktuhan si Mariano na nagbebenta ng shabu sa isa sa apat katao.

Agad naaresto ang apat na sangkot habang mabilis na tumakbo si Mariano sa loob ng bahay at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

( ROMMEL SALES )

3 nakatakas

1 PATAY SA ‘OPLAN TOKHANG’ SA PASAY

PATAY ang isa sa tatlong lalaking sinasabing mga miyembro ng Edgardo Enriquez drug syndicate nang makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang “Oplan Tokhang” sa Pasay City kahapon ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Pasay City General Hospital ang suspek na si Celso Guites, alyas Picos, 42, ng 202 Road 6, Pildera 2, Brgy.193, Pasay City, no.1  sa drug watchlist ng Airport Police Community Precinct (PCP).

Habang inaalam pa ng mga awtoridad ang dalawang kasama ni Guites na nakatakas sa insidente.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng “Oplan Tokhang” ang mga pulis sa Road 6, Brgy. 193, Pildera dakong 9:30 a.m. ngunit lumaban ang mga suspek.

Gumanti ng mga putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ni Guites habang nakatakas ang dalawa niyang kasama.

( JAJA GARCIA )

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *