Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binoe, wa ker sa kasarian ng magiging anak

NAGMARKA sa amin ang salitang binitawan ni Robin Padilla sa isang interbyu na wala siyang paki sa magiging gender ng anak nila ni Mariel Rodriguez.

“Kahit ano! Babae, lalaki, bakla, o tomboy —wala na sa aking issue riyan. Ang mahalaga ay normal. Ibig sabihin, wala siyang kapansanan,” deklara niya.

O ‘di ba, tanggap ni Binoe kesehodang magkaroon siya ng bakla o tomboy na anak. Ang sarap pakinggan na nangaggaling ‘yan sa isang action superstar.

Hinahayaan din ni Robin na ituloy ang hosting job ng asawa dahil nakikita niya ang ‘happiness’ ni Mariel sa ginagawa niya. Nag-iba ng aura niya at naibalik ang mga ngiti niya dahil sa mga Kapamilya niya sa ABS-CBN 2. Nagpapasalamat din ang actor na inaalagaan si Mariel ng mga kasamahan niya sa It’s Showtime.

Speaking of ABS-CBN 2, patuloy ang pamamayagpag nito  sa ratings sa telebisyon noong Hunyo ayon sa pinakahuling datos mula sa Kantar Media.

Pareho pa rin ang istorya sa primetime, na lamang ang ABS-CBN sa 49% na average audience share. Pasok sa Top 10 highest-rating programs ng Hunyo, sa pangunguna ng FPJ’s Ang Probinsyano (42.2%) na sinundan ng The Voice Kids (36.8%), Dolce Amore (33.7%),  Maalaala Mo Kaya  (33.5%), Wansapanataym (31.1%), TV Patrol (30.2%), Goin’ Bulilit (23.8%), Home Sweetie Home (23.2%), Rated K (20.8%), at ang nagtapos na The Story of Us (19.8%). Pasok din sa Top 10 ang paghatid ng NBA Finals ng NBA sa ABS-CBN na nakakuha ng 22.6% na rating.

Samantala, numero uno pa rin sa daytime ang Be My Lady (18.6%), habang wagi pa rin ang It’s Showtime (18.2%) . Nagningning din ang Kapamilya Gold sa afternoon block sa likod ng magandang ratings ng Doble Kara (17.1%) at Tubig at Langis (15.1%).

Tinutukan din ng bayan ang Inauguration Day coverage na Ang Panunumpa: Pangako ng Pagbabago, na kumana ng 18.8% .

( ROLDAN CASTRO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …