Saturday , November 16 2024

3 tulak ng shabu, arestado sa Taguig

HINDI nakapalag ang tatlong hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga nang maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) sa ML Quezon Road sa Bagumbayan, Taguig City, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na si Ernesto Evangelista, siyang target sa operasyon, live-in partner niyang si Jocelyn Osorio, at pamangkin na si Maynard Reyes.

Ayon kay Police Chief Inspector Jerry Amindalan, hepe ng Taguig SAID, dalawang buwan nilang minatyagan ang kilos ng mga suspek, at nitong Sabado ng madaling araw ay bumili ang asset ng shabu sa halagang P3,000.

Dagdag ni Amindalan, nasa watchlist ng Taguig Police si Evangelista at kadalasang mga taga-Bagumbayan din ang kanyang mga parokyano.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *