Saturday , December 21 2024

187 drug personalities nasakote sa Navotas

NAKAPAGTALA ng 187 naarestong mga sangkot sa ilegal na droga ang Navotas City Police mula Enero hanggang kasalukuyan kaugnay sa anti-illegal drug campaign sa lungsod.

Kabilang sa mga naaresto ang 37 suspected drug pushers, at 104 users habang 46 ang naaktohan sa pot session.

“Our fight against illegal drugs started years before the enforcement of Oplan Tokhang. We deemed it crucial to keep our city safe from the menace of drug abuse and addiction,” ayon kay Navotas Mayor John Rey M. Tiangco .

“We wanted to promote a drug-free city, and ensure the welfare of our families and the future of our children,” dagdag ng alkalde.

Sinabi pa ni Mayor Tiangco, siya ring namumuno ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC), nagpapatupad ang lungsod ng mga programa at proyekto upang makaiwas ang mga residente sa paglaganap ng ilegal na  droga.

Mula Enero ang NADAC ay tatlong beses nang nakipag-ugnayan sa drug suspects, nagsagawa ng mga pulong at binalaang itigil na ang illegal drug activities na sumisira sa mga biktima ng paggamit ng droga.

( JUN DAVID )

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *