INAALAM na ng Comelec ang mga ulat ng hakot system kaugnay ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) registration na nagsimula kahapon.
Una rito, sa ilang bahagi ng Maynila ay namataan ang mga sasakyan ng gobyerno na ginagamit ng ilang incumbent barangay officials upang hakutin ang magpaparehistrong mga botante.
Nabatid na ipinagbabawal ang ano mang hakbang ng barangay officials para makapagbigay ng pabor sa mga registrant, lalo na kung ang nasa likod nito ay kumakandidato o may planong tumakbo sa halalan.
Habang paliwanag ng barangay officials, ang ginagawa nilang paghahakot ay upang hindi na mahirapan pa sa pagbiyahe ang kanilang mga kabarangay..
Pahabaan ang pila ng mga magpapatala sa Comelec at inaasahang mas dadami pa ito sa huling bahagi ng registration period.
Ang pagpapatala ng mga botante ay nagsimula kahapon at magtatapos sa Hulyo 30, 2016.