TINANGGAP ng OPM legend na si Freddie Aguilar ang alok ng Duterte administration na pamunuan ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Ayon kay Aguilar, kanyang ipatutupad ang cultural revolution para maibalik ang pag-uugali at sining na Filipino.
Unang hiniling ni Aguilar kay Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng department para sa sining at kultura.
Ngunit habang wala pa, inalok ng executive assistant ni Duterte na si Bong Go, ang “Anak” hitmaker para pamunuan ang NCCA.
Si Aguilar ay paboritong singer ni Duterte at isa sa mga nagkampanya noon sa Pangulo.
Una na ring itinalaga ni Duterte sa kanyang gabinete ang ilang showbiz personalities kagaya nina Arnell Ignacio at Jimmy Bondoc sa PAGCOR habang ang singer na si RJ Jacinto ay bagong economic adviser ni Duterte.
Ang mga nabanggit ay tumulong sa kampanya noon ni Duterte.