PLANONG ipanukala ng Department of Budget and Mangement (DBM) na isulong ang non-stop o 24-hour contruction sa urban projects.
Pahayag ito ni Budget Sec. Benjamin Diokno kasunod nang mga inilatag na programa ng administrasyong Duterte.
Sinabi ni Diokno, base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), umaabot sa P2.4 bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng bansa kada araw dahil sa trapiko.
Kabilang sa sanhi nang masikip na trapiko ang mga inaayos na kalsada at mga gusaling itinatayo malapit sa lansangan.
Ayon kay Diokno, kaya’t kailangang madaliin ang mga programa ng pamahalaan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Sa proposed 2017 national budget, mahigit 5 porsiyento ng gross domestic product (GDP) ang ilalaan sa imprastruktura na magpapasipa sa ekonomiya.