Saturday , November 16 2024
sandiganbayan ombudsman

Gatchalian, Pichay, 24 pa kinasuhan sa biniling thrift bank

PORMAL nang sinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman sina Sen. Sherwin Gatchalian, dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay at 24 iba pang personalidad dahil sa kwestyonableng pagbili sa local thrift bank sa Laguna noong 2009.

Si Pichay ay dating chairman ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Naghain ng walong magkakahiwalay na kaso ang Ombudsman sa Sandiganbayan laban kay Pichay ng three counts sa paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, tatlong counts ng malversation ng public funds sa ilalim ng Article 217 ng Revised Penal Code, at isang count sa violation ng Republic Act 8791 o General Banking Law of 2000, at isang count sa paglabag sa Manual of Regulation for Banks (MORB).

Habang si Gatchalian ay sinampahan ng tig-isang count sa kasong graft, malversation at paglabag sa Manual of Regulation for Banks.

Sinasabing noong buwan ng Mayo hanggang Oktubre 2009, binili ng LWUA ang shares ng Express Savings Bank Inc. (ESBI) sa halagang P80.003 million.

Ang ESBI ay isang local thrift bank na nakabase sa Laguna na pag-aari ng FPI at WGI.

Si Gatchalian ang tumatayong executive vice president ng WGI nang mangyari ang anomalya.

Nabatid na nabili ang naturang naluluging banko sa kabila nang kakulangan ng ‘requisite’ na regulatory approvals mula sa Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Finance at Office of the President.

Ang iba pang kinasuhan ay sina Eduardo Bangayan, Aurelio Puentevella, Enrique Senen Montilla III, Wilfredo Feleo Jr. at Daniel Landingin; ang WGI executives na sina Dee Hua Gatchalian, William Gatchalian, Kenneth Gatchalian at Yolanda Dela Cruz; FPI executives Peter Salud, Geronimo Velasco, Jr., Weslie Gatchalian, Rogelio Garcia, Lamberto Mercado, Jr., Evelyn dela Rosa, Arthur Ponsaran at Joaquin Obieta.

Samantala, damay rin sina ESBI executives George Chua, Gregorio Ipong, Generoso Tulagan, Wilfred Billena at Edita Bueno dahil sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, tatlong kaso ng malversation at paglabag sa General Banking Law of 2000 at Manual of Regulation for Banks.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *