Saturday , November 16 2024

Ex-VP Binay kinasuhan sa city hall bldg scam

SINAMPAHAN nang patong-patong na kaso si dating Vice President Jejomar Binay sa Sandiganbayan.

Si Binay ay kinasuhan ng graft, falsification of public documents at paglabag sa Government Procurement Reform Act.

Kaugnay pa rin ito sa sinasabing overpriced na Makati City Hall Building II o Makati parking building na nagkakahalaga ng P2.28 bilyon.

Oktubre noong nakaraang taon nang makitaan ng Office of the Ombudsman ng probable cause para sampahan nang patong-patong na kaso sa Sandiganbayan si Binay at anak niyang si dating Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr.

Kasama rin sa mga dawit sa kaso ang 22 iba pang opisyal ng Makati City.

Una nang sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, maaari na nilang patawan ng mga kaso si Binay kapag naalis na ang immunity bilang bise presidente ng bansa.

Habang ayon sa tagapagsalita ni Binay na si Joey Salgado, hindi nag-aalinlangan ang dating bise presidente na harapin ang mga umaakusa sa kanya at linisin ang kanyang pangalan sa pamamagitan nang patas at impartial hearing.

Pinaghahanda rin ng kampo ni Binay si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na tinawag ni Salgado bilang “protektor ng Liberal Party.”

“The Ombudsman should also be ready to account for her actions in the civil suit now pending before the courts,” wika ni Salgado.

Ang paghahain aniya ng kaso sa Sandiganbayan laban kay Binay ay malinaw na halimbawa ng “diversionary move” na naglalayong pagtakpan ang political patrons ng Ombudsman.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *