Saturday , November 16 2024
knife saksak

Mag-ina ng seaman kinatay ng kaanak

TADTAD nang saksak at wala nang buhay nang matagpuan ang 51-anyos ginang at 14-anyos niyang anak na dalagita kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Johnson Almazan ang mga biktimang sina Carol Suizo, 51, natagpuan sa ground floor ng two-storey nilang bahay sa Champaca St., Sampaguita Village, Brgy. 175 ng nasabing lungsod. Habang ang anak niyang si Angel, 14, ay natagpuan sa loob ng silid sa ikalawang palapag.

Ayon kay PO3 Alcee Jumaquio, ang bangkay ng dalawang biktima ay natagpuang halos naaagnas na ng kanilang kaanak na si Aikee Nario, 28, ng 67 Marganto St., Brgy. Gulod, Quezon City dakong 11:00 a.m.

Nauna rito, nakatanggap ng tawag si Nario mula sa kanyang pinsan na si Edwin Suizo, asawa ni Carol, seaman, at nakiusap na bisitahin ang kanyang mag-ina sa kanilang bahay dahil hindi sumasagot sa kanyang mga tawag.

Sa salaysay ni Aikee at ng kanyang amang si Raul Nario sa mga imbestigador, ang huling bumisita sa bahay ng mag-ina ay isa nilang kaanak na si Ryan Vitanzos

Si Vitanzos ay sinasabing problemado sa pera mula pa noong nakaraang taon kaya nanghihiram ng pera sa tiyahin na si Carol.

Ngunit tumanggi ang ginang dahil batid niyang sangkot sa illegal drug activities ang pamangkin.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang nasabing suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *