Friday , November 15 2024

Kalooban ng 3k+ QC pulis napanatili ni Col. Eleazar

E, sino’ng manghuhuli ng mga adik, pusher?

Ang Commission on Human Rights (CHR)?

Malabong mangyari ‘yan. Baka sa pakikialam ng CHR, lalong lumobo ang mga adik at tulak …at lolobo rin ang biktima ng karumaldumal na krimen.

Hindi naman tayo tutol sa pagpapaalala ng CHR sa pulisya natin hinggil sa panghuhuli ng mga pusher, nagpapasalamat nga tayo at nariyan ang ahensiya – bilang tagabantay natin pero, paano naman kung ang mga operatiba natin ang napatay ng mga adik at pusher sa operasyon? Ipagtatanggol ba ng CHR ang mga pulis na napatay o nasugatan?

Oo totoong nakapangangamba ang nangyayari ngayon sa bansa – araw-araw ba naman na may napapatay na adik o tulak. Buti nga at nababawasan na ang mga bugok.

Anyway, napapatay ang mga tulak dahil imbes sumuko sa kabila ng mga ibinibigay na pagkakataon, hayun mas pinili nilang magtulak at mapatay. Napapatay sila dahil sa pang-aagaw ng baril o nanlaban imbes sumuko.

Maliban sa nangyari sa Pasay City Police Station kamakailan na hindi kapanipaniwala. Maging ang ama ng inarestong pusher ay napatay sa loob ng presinto.

Nang-agaw daw ng baril ang ama. Shame on you Pasay police.

‘Yan dapat ang isailalim sa masusing imbestigasyon. Hindi ang Pasay police ang mag-imbestiga kundi dapat independent body.

In fairness sa CHR, iniimbestigahan na raw nila ang insidente.

‘E sino nga ba ang manghuhuli kung tinatakot ang mga pulis natin para sa isang imbestigasyon sa Senado?

Ano pa man, saludo ang bayan ngayon sa PNP. Unti-unti na kasing nauubos ang mga tulak, maging

ang mga adik bunga ng direktiba ng ating mahal na Pangulong Duterte.

Ang mga adik/user ay nagsisisukuan na at hand ng magbagong buhay.

Bunga ng dobleng pagpapatupad sa kautusan ni PNP chief  Director General Bato Dela Rosa, base naman sa direktiba ng Pangulo, masasabing nalulumpo na ang sindikato ng ilegal na droga.

Ayos!

Kaliwa’t kanan ba naman ang isinagawang operasyon ng mga pulis natin. Tulad sa Quezon City, simula nang maupong director ng Quezon City Police District si S/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, walang humpay ang isinagawang operasyon ng pulisya laban sa droga at kriminalidad.

Bagamat naging kontrobersiyal ang QCPD kamakailan dahil sa pagkakasangot sa droga ng dalawang dating district director ng pulisya, high morale pa rin ang mga pulis ng QCPD.

Napanatili pa rin ni S/Supt. Eleazar ang kalooban ng bawat pulis QC dahil pinangunahan mismo ni Eleazar ang lahat ng hakbangin at kampanya ng QCPD para maging ehemplo sa bawat pulis.

Kaya buo ang loob ng bawat estasyon at iba’t ibang operation units sa pagtatrabaho. Batid natin na less than 20 tulak na rin ang napapatay ng QCPD simula nang maupo si DD nitong Hulyo 4, 2016 at daan-daan na rin ang napapasuko sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang.

Hindi lang street pushers ang binangga ng QCPD kundi magingkabaro nilang tublado. Napatay sa operasyon ng Talipapa PS 3 na pinamumunuan ni Supt. Victor Pagulayan, ang pulis pusher na si PO3 Ariel Arnaiz. Sa halip sumuko nang katukin ang kanyang bahay sa Brgy. Baesa, pinili ni Arnaiz na hindi magpapahuli nang buhay.

Nagpakadakila ka pa!

Ang District Anti-Illegal Drugs (DAID) at District Special Operation Unit (DSOU) na pinagmulan ng 35 pulis QC na itinapon sa Mindanao dahil sa akusasyong ninja style, high morale pa rin ang mga naiwan at mga bagong itinalaga rito.

High morale sa pagtatrabaho dahil sa  encouraging words at quotes na ibinahagi sa kanila ni DD.

Hayun, sa unang pagsalta ng DAID ni Chief Insp. Enrico Figueroa at DSOU na ngayo’y pinamumunuan ni Supt. Roghart Campo, nabuwag ang  bigtime drug group na kumikilos sa QC – ang “Salvacion Briones Drug group” matapos mapatay sa shootout ang lider ng grupo at tatlong tauhan nito, sa buy-bust operation sa Brgy. UP Campus, Diliman, QC. Ang shootout ay umabot hanggang Brgy. Old Capitol Site nang tangkaing tumakas ng dalawa sa apat na suspek.

Meron pa? Opo, hindi rin pipitsuging grupo ang nabuwag ng Novaliches Police Station 4 na pinamumunuan ni Supt. Jericho Baldeo, kundi malaking grupo.

Abangan!

Muli, Sr. Supt. Eleazar, Supt. Pagulayan, Supt. Campo at C/Insp. Figueroa, sampu ng inyong mga tauhan, malaking kontribusyon sa QC ang magagandang accomplishment na ito.

Bawas salot equals to peace and order ng lungsod. Congrats! Ingat-ingat lang mga sir.

CHR, kaya ba ninyong bawasan ang salot sa QC?

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *