OPENING pa lang ng Banana Sundae ay marami na tiyak na hinimatay sa team JJ (JC De Vera at Jessy Mendiola).
Ang ganda ng katawan at yummy ni JC sa Facebook live ni Pooh habang nasa taping sila ng Banana Sundae.
Naka-Tarzan costume si JC na kita ang isang utong.
Itinututok niya ito sa camera ng FB live kaya naloka si Pooh.
“Huwag naman ‘yung utong parang g__o naman ito,” sey ni Pooh.
Umiral ang pagiging komedyante ni JC at kabiruan na niya ang buong cast ng Banana Sundae, hindi siya tumigil sa pangungulit dahil kinamot pa niya ang utong niya sa FB Live. Nagpakapilyo siya habang hinihintay ang taping nila.
Nakakalokah. May kabaliwan pang ginawa si JC sa FB live na nakipagtitigan lang sa screen, walang galawan at salitaan.
May nag-message na netizen na idol niyasi JC.
Comment ni Pooh, ”Idol mo ba ‘yung nagpapakita ng utong at kinakamot sa harapan niyo? Nagkakamot sa screen ng utong,” tumatawang pahayag ni Pooh.
Anyway, may ipinagmalaki si Pooh na sketch ng Banana Sundae, na pinangunahan ni Sunshine (Garcia), nag-Jayson Gainza then, nag-JC, nag-Angelica (Panganiban), nag-Pooh hanggang nag-punchline si Jobert (Austria), sobrang taas ng comedy. Nakamamatay talaga sa katatawa lalo na sa pasabog daw ni Sunshine.
ni ROLDAN CASTRO