KINOMPIRMA ng Malacañang na pinaghahandaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 25.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, humihingi pa ng ‘input’ si Pangulong Duterte sa kanyang buong gabinete.
Ayon kay Abella, layunin nitong maging mas komprehensibo ang mga sasabihin ng pangulo at mula sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Matapos nito, inaasahan ang pag-convene ni Pangulong Duterte sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) para pag-usapan ang priority bills ng administrasyon.
Isusulong ng administrasyon ang mga panukalang may kinalaman sa paglaban sa kriminalidad sa bansa at iba pa.