Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Block screening ng Imagine You & Me, lagpas ng 100; Fans nagtalunan sa kissing scene ng AlDub

MASARAP, malinamnam, at todo bigay ang ending ng Imagine You And Me nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ngayon lang kami ulit nakakita ng reaksiyon ng fans na nagtatalunan at itinataas ang mga kamay sa tuwa sa kissing scene ng dalawa. Nagpapatunay na hindi binigo ng AlDub na maging super kilig ang pelikula. Isang Rom-Com  na havey sa panlasa ng AlDub Nation.

As a newcomer, pasado na ang acting ni Maine, natural ang dating at  lumalabas ang pagiging komedyante.

Nagalingan din kami kay Alden na magpakilig. Para siyang si James Reid na ‘pag tumitig o tumingin sa kapartner ay kikiligin ka na.

Hindi lang kilig ang naramdaman namin noong mapanood ang Imagine You And Me noong premiere night. Sobrang tawa namin sa ilang eksena. Lalo na ‘pag kasama ng AlDub sina Kakai  Bautista at Kai Cortez.

Havey sa amin ‘yung dialogue ni Kakai kay Alden na hindi naman grand finals ng singing contest noong pakantahin niya ang actor at sinagot siya na wala raw ito sa condition.

Pati na sa eksenang nagbitaw si Kakai ng ‘downer’ ba ito at pinintasan ang katabaan ni Kai.

Panalo at super tawa rin kami sa dubmash ni Maine ng mga kanta noong magkasama sila ni Alden sa sasakyan. Lalo na noong pagtripan nilang dalawa ang Hindi Ko kayang Tanggapin ni April Boy Regino.

071416 jasmine curtis Jeff Ortega

Tamang desisyon din na tinanggap ni Jasmine  Curtis Smith na maging ka-love triangle ng AlDub dahil markado ang role niya. Marami ang nagalingan kay Jas at may mga opinion pa kaming narinig na mas magaling siya sa Ate niyang si Anne Curtis. Sa premiere night kasama niya ang boyfriend niyang si Jeff Ortega.

Plus factor din sa pelikula ang location nila sa Italy na makikita ang mga magagandang tanawin. Parang nakapasyal ka na rin sa naturang lugar.

Samantala, sobrang saya  ng AlDub sa dami ng tao na dumating  sa premiere night sa Megamall Cinema  9 and 10. Ayon sa source namin more than 100 na raw ang block screening para sa naturang pelikula.

“Sobrang sarap sa pakiramdam. Sa tagal ko sa showbiz, hindi ko na-experience ‘to. We’re so full of happiness and excitement right now. Ang laki ng pasasalamat namin sa lahat ng sumusuporta na nariyan pa rin sila hanggang ngayon,” bulalas naman ni Alden.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …