NAGPALABAS ang Department of Justice (DoJ) ng lookout bulletin order para sa limang dati at kasalukuyang police generals na inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektor ng illegal drug trade
Sa nasabing bulletin order, inatasan ang lahat ng immigration officers na maging ‘on the lookout or alert’ sa mga heneral na sina Joel Pagdilao, Bernardo Diaz, Edgardo Tinio at retired police generals Marcelo Garbo at Vicente Loot, kapag dumaan sa immigration counters ng international ports o seaports.
Inatasan din ang immigration officers na agad abisuhan ang Justice Secretary at makipag-coordinate sa Department of the Interior and Local Government at National Police Commission kung sino ang maaaring kontakin kapag nagtangkang umalis ng bansa ang sino man sa nabanggit na mga heneral.
Sa lookout bulletin order ay hindi mapipigilan ang limang heneral sa pag-alis ng bansa, ngunit sila ay maaaring maaresto ‘on the spot’ at makasuhan ng ‘obstruction of justice’ kapag nagtangkang umalis ng bansa.