Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, pinuri ang galing sa The Greatest Love

00 Alam mo na NonieFIRST time pa lang naming nakita ang trailer ng forthcoming TV series na The Greatest Love mula ABS CBN, bumilib na agad kami sa acting ng lead star nitong si Ms. Sylvia Sanchez. Kakaiba kasing galing ang ipinamalas dito ng ermat nina Arjo at Ria Atayde.

Gaya nang inaasahan ko, marami rin sa nakapanood ng teaser nito ang nagpahayag ng papuri sa husay ng performance rito ni Ms. Sylvia.

Nang nakarating sa aktres ang positive na feedbacks na mostly sa netizens, aminado siyang nakaramdam daw ng pressure.

“Sa mga nagdaan kong soaps okay lang ako, medyo relax pero ngayon hindi ako puwedeng mag-relax. Kasi teaser pa nga lang ang lumabas, ang dami na namin nakuhang mga papuri which is nakaka-pressure talaga,” saad ng award winning actress sa panayam ng Push.com.

Dagdag pa ni Ms. Sylvia, “Kung kailan ako nagkaka-edad ‘tsaka naging ang ganda ng career, noong una ang sexy ko, waley. Ngayong lumaki ako, heto tuloy-tuloy… In His time.”

Sa seryeng ito, siya si Gloria, isang ina ng apat na anak na mayroong Alzheimer’s disease. Ipakikita rito ang mga sakripisyong kayang gawin ng isang ina para sa kanyang mga anak.

Bilang preparasyon sa papel niya rito, nagpunta pa raw si Ms. Sylvia at nag-obserba mismo sa mga taong may ganitong karamdaman.

“Ako mismo ang nagpupunta roon sa may mga Alzheimer’s, iyong mannerism, iyong mata niya, basta kung ano siya kapag umaatake iyong ganoong klase ng sakit,” esplika pa niya.

Ito ang maituturing na biggest break ni Ms. Sylvia bilang isang aktres at ayon pa sa kanya, talagang todo-bigay siya sa papel niya rito dahil ang mga ganitong pagkakataon ay minsan lang dumating sa mga beteranang aktres na tulad niya.

Ang The Greatest Love ay magsisimula nang mapanood sa July 18. Ito’y mula sa direksiyon ninaDado C. Lumibao at Mervyn Brondial at tinatampukan din nina Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans, at Arron Villaflor.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …