Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa pagkikita nina Sunshine at Cesar: Alam ko si God ang kumilos

00 SHOWBIZ ms m“I believe it was meant to happen.” Ito ang sinabi ni Sunshine Cruz sa kanyang Facebook account ukol sa larawang nai-post ni Cesar Montano sa kanyang Instagram account kasama ang kanilang tatlong anak na sina Angelina, Samanta, at Francesca, at gayundin sa mga nagtatanong kung bakit magkakasama sila.

Ayon kay Sunshine, hindi niya inaasahang magkikita-kita sila sa isang restoran at hindi niya itinagong ikinagalak niya ang pangyayaring iyon.

Ani Sunshine sa kanyang FB post, “For the record. My kids, nephew, Dupaya Family and sis Ynez were with me for my advance birthday dinner at Resorts World.

“My ex husband with his brother and some friends were there too. Just 1 or 2 restaurants away from us.

“I believe that it was meant to happen. Same time and same place pa kaya alam ko si God ang kumilos.

“The kids were tensed but excited when they learned and saw their father. Hindi naman ako nagdalawang isip at inutusan ko ang kids na lapitan at halikan ang kanilang dad.

“It was emotional I heard from my bestfriend Ayapud Yhtak. Hindi naman kasi ako lumapit at pinili kong maghintay sa upper level..:&þ

“Masaya ako sa pangyayaring ito. I’ve been vocal ever since na kailangan ng mga bata ng ama sa buhay nila but unfortunately may mga bagay na nangyari at bilang isang ina, gagawin ko ang alam ko ay tama, ang proteksyunan ang mga bata at irespeto ang kagustuhan nila.

“Im hoping this will be the start of a better relationship of our kids and father. We as parents need to remember na hindi ginusto ng mga bata na tayo ang maging magulang nila.

“I know our kids deserve a good life because they are wonderful children. Sana maging maayos na talaga at sana huwag na muna ipilit na magkaron ng relationship ang kids sa mga taong alam nya at alam nyang alam naming nakasakit sa kanila. Sya, ang tatlong bata at si Diego lang muna SANA.

“Dahan-dahan at baka maka apekto na naman kasi sa mga bata.

Btw, salamat sa cake. Much appreciated yan.”

Sa kabilang banda, kitang-kita rin ang kasiyahan sa mukha ni Cesar sa larawang ipinost niya kasama ang kanyang tatlong anak sa Instagram account niya.

***

MAHALAGA ang kalusugan ng ating katawan kaya naman tiniyak ito ng Javita na may mataas na kalidad na inuming mainit at malamig na may natatanging likas na lasa ng tunay na prutas na hindi nakatataba, walang asukal, at tamang-tama sa aktibo nating pamumuhay.

Ang Javita ay eksklusibong prinoseso sa US na makatutulong para maging malusog ang iyong pamilya.

At para ilahad pa ang kalahagang nagagawa ng Javita, ipaliliwanag ito ni Stanley Cherelstein sa Javita Momentum Tour in July! na magsisimula sa Hulyo 16—Crown Regency Makati; Hulyo 17—City Light Hotel Baguio; Hulyo 18—Pangasinan; Hulyo 19—Dayton Hotel Batangas City; Hulyo 20—Dynasty Court Hotel Cagayan de Oro; Hulyo 21—Lispher Inn Davao; Hulyo 22—Bayfront Hotel Cebu; Hulyo 23—Metro Centre Bohol; Hulyo 24—Bethel House Dumaguete; Hulyo 28—Cavite TBD (kasama sina Carla at Margie Corales Dumadag); at sa Hulyo 28—Bicol (kasama si Juvs Pabilonia).

Kaya sali na sa Javita Momentum Tour in July! Para sa detalye, tawagan si Jhee (09952702304/09990074698/09151792087) o (02)6593834) /www.myjavita.com.

SHOBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …